Ayon sa PAGASA, apektado ng Tail – End of a Frontal System ang eastern section ng Northern Luzon.
Northeast Monsoon naman o Amihan ang nakaaapekto sa nalalabi pang bahagi ng Northern Luzon.
Habang umiiral ang easterlies sa iba pang bahagi ng bansa.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, December 15, makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ilan sa Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at sa lalawigan ng Aurora dahil sa tail-end ng frontal system.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin ang iiral na may isolated na pag-ulan dahil sa easterlies.
Nakataas naman ang gale warning at sa Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.