Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Sa ikalimang sunod na linggo may dagdag muli sa presyo ng produktong petrolyo.

May dagdag na 50 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 55 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 60 centavos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo ng kumpanyang Shell, Petron, SeaOil, PTT, Unioil, at Petro Gazz, alas 6:00 ng umaga bukas araw ng Martes.

Alas 12:01 naman ng madaling araw ay nagpatupad na ng dagdag presyo ng Chevron.

las 4:01 naman ng hapon ang oil price increase ng kumpanyang Cleanfuel.

Ayon sa Shell, iiral naman ang prize freeze para sa produktong kerosene sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

 

 

 

Read more...