Pangulong Duterte inaprubahan ang dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng dry run ng face-to-face classes sa piling mga paaralan sa mga lugar na low-risk ang transmission ng COVID-19.

Ang dry run ay target na isagawa sa buong buwan ng Enero 2021.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pumayag ang pangulo sa panukala ng Department of Education (DepEd).

Hindi pa naman inilahad kung saang eksaktong lugar at mga paaralan isasagawa ang dry run.

Ang DepEd ay makikipag-ugnayan sa National Task Force against COVID-19 para sa pagmonitor ng gagawing face-to-face classes.

Kinakailangang magpatupad ng ikstriktong health and safety measures sa isasagawang klase.

Sinabi rin ni Roque na hindi ito gagawing compulsory sa panig mga estudyante at magulang.

 

 

 

Read more...