Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 210 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, ala-1:14 umaga ng Martes (December 15).
May lalim na 160 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES