Tumanggi naman si Guevarra na kilalanin ang makakasuhan o ang ahensiya at kung anong partikular na mga kaso ang kanilang isasampa.
“The mechanism for the efficient operations of the TFAC is in place and is now processing complaints and reports on corruption,” paliwanag nito sa katuwiran na nang maging fully operational sila noong Disyembre 1 ay marami na silang mga reklamong natanggap.
Una nang sinabi ni Justice Usec. Emmelline Aglipay-Villar na 98 reklamo at ulat na ang kanilang natanggap simula noong Disyembre 2 kaugnay sa mga katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Noong Oktubre 27, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang task force na mag-iimbestiga sa mga anomalya sa lahat ng ahensiya ng gobyerno hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022.