COVID-19 recoveries sa Baguio, pumalo na sa higit 3,089

Umabot sa 13 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (December 14), umabot na sa 3,407 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 269 ang aktibo pang kaso.

39 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 3,089 na ang total recoveries sa Baguio City habang 49 na ang death toll.

Nasa 83,385 naman ang kabuuang bilang ng naisagawang pagsusuri sa COVID-19.

Read more...