70 pang COVID-19 cases, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 70 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 14, umakyat na sa 20,759 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,599 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 81.99 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

58 naman ang gumaling pa kaya 18,552 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 603 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...