DTI, TESDA pumayag na madagdagan ang Tech-Voc trainings

Madadagdagan ang mga training at assessment para sa Technical Vocational Education and Training (TVET) matapos maglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng Joint Memorandum Circular.

Layon ng hakbang na magpahusay pa ng mga manggagawang Filipino ang kanilang kakayahan bunsod na rin ng malawakang lay-offs dahil sa pagsasara ng maraming negosyo.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez naa may pangangailangan para sa TESDA-certified workers dahil maraming sektor sa paggawa ang nagbubukas na muli o nagsimula na ng operasyon.

Sinabi naman ni TESDA Dir. Gen. Isidro Lapeña na napakahalaga ng naging hakbang para masunod ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mga programa na makakatulong sa OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“I am thankful to DTI for granting our request to open more programs for our kababayans. We really wanted to offer more training opportunities for our people, especially those who were displaced from their jobs, including our repatriated OFWs. Even with the ongoing pandemic, with the right skills, there is a possibility for new employment and livelihood,” sabi ni Lapeña.

Anim na TVET qualifications ang ginawang prayoridad at magkakaroon ng face-to-face trainings; construction; construction-related, kasama ang electrical installation and maintenance, flux cored arc welding, gas metal arc welding, gas tungsten arc welding, gas welding, and shielded metal arc welding.

Gayundin sa electrical and electronics, kasama ang computer systems servicing and solar-powered lighting & mobile phone charging kit; garments and textiles, kasama ang dressmaking, face mask making, and tailoring; at land transportation, partikular ang driving at panghuli ang health.

Read more...