Ito ang sinabi ni Bong Nebrija, ang EDSA Traffic commander at aniya, may 25 truck driver silang nahuli.
Ang pahayag na ito, ayon kay Nebrija, ay base sa naging obserbasyon nila sa biyahe mula North Avenue hanggang Magallanes sa magkabilang direksyon.
Ang mga nahuli ay pagmumultahin ng P2,000 at kapag sa loob ng isang taon ay tatlong beses silang lumabag, irerekomenda ng MMDA sa Land Transportation Office (LTO) na masuspinde ang kanilang lisensiya ng isang taon.
Ibinalik ang truck ban sa umaga at gabi dahil sa kahilingan ng Metro Manila Council, na binubuo ng 17 mayors ng Kalakhang Maynila.
Naninawala ang mga opisyal na gagaan ang kondisyon ng trapiko sa Kapaskuhan kapag may partikular na oras na ipagbabawal ang pagbiyahe ng mga truck.