Muntinlupa, may 55 na aktibong kaso ng COVID-19

Umabot na sa 5,023 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (December 14), sa nasabing bilang ay 55 ang aktibong kaso.

252 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 38 ang suspected cases.

Samantala, 4,805 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 163 ang bilang ng nasawi.

Read more...