Tinawag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta na ‘illegal, despotic, whimsical, at vindictive’ ang pagsingit ng prohibition sa 2021 General Appropriations Act (GAA) na pinamunuan nina Sen. Franklin Drilon at Sen. Sonny Angara.
“Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division,” pahayag ni Acosta.
Dagdag pa ni PAO chief Acosta na ito ay violation ng Civil Service Commission (CSC).
Nanawagan ang PAO na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang prohibition.
“Bakit kami ang pinag-iinitan, gayung kami ay nagtatrabaho lang?” giit ni Atty. Acosta at dagdag pa nito, “saan na pupunta ang mga mahihirap na tumatakbo sa PAO kung tatanggalin nila ang budget namin?”
Samantala, may patutsada rin ang PAO Chief kay Vice President Leni Robredo sa umano’y sinabi nito na hindi ngayong may pandemya dapat nag-iingay ang PAO sa isyu ng dengvaxia.
“Sila itong nag-iingay. Kami ay nagtatrabaho lang. Ang nag-iingay ay ang mga pamilya ng biktima na humihingi ng katarungan hanggang ngayon,” ani Acosta.
Sabi pa nit, “VP Leni iresponsable po ba ang pagtulong sa nabibiktima ng dengvaxia? Bilang PAO, trabaho namin na tulungan sila.”
“VP Leni, I will give you a sisterly advice. Mag-isip-isip po muna kayo. Kung nakikipagbakbakan ka e hindi mo kalaban ang PAO. VP Leni, please leave PAO alone!” pahayag pa ni Atty. Acosta.
Sa datos hanggang November 26, 2020, nasa 159 na ang namatay sa Dengvaxia na sinuri ng PAO Forensic Laboratory.