Panukalang batas para mapalawig pa ang 2020 GAA, Bayanihan 2 sinertipikahan bilang urgent bill

Sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill ang panukalang batas na nagpapalawig pa sa 2020 General Appropriations Act (GAA) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sa ilalim ng House Bill 8063, nais nitong palawigin pa ang Bayanihan 2.

Mula sa December 19, 2020 na bisa ng Bayanihan 2, papalawigin ito hanggang June 30, 2021.

Ito ay para matiyak na magagamit ang inilaang pondo ng pamahalaan para makabangon ang bansa sa pandemya sa COVID-19.

Nakasaad naman sa House Bill 6656 ang pagpapalawig sa 2020 GAA ng hanggang December 31, 2020.

Layunin naman ng panukalang batas na patuloy na maisulong ang economic stimulus effort ng Pilipinas.

Ipinadala ni Pangulong Duterte ang liham kay Speaker Lord Alan Velasco sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Read more...