Bilang ng pamilyang nabigyan ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, nadagdagan pa

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang 8:00, Linggo ng gabi (December 13), umabot na sa 10,426 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.

Dahil dito, umabot na sa higit P57.8 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.

Samantala, higit P707.3 milyon naman ang naipamahagi sa 108,265 na karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Read more...