Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 14), umabot na sa 450,733 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 23,253 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,339 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.7 porsyento ang asymptomatic; 0.32 porsyento ang moderate; 3.0 porsyento ang severe habang 5.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 24 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,757 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 41 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 418,723 o 92.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.