Mga migrante at refugees naiyak nang hugasan ni Pope Francis ang kanilang paa

From Catholic News Agency
From Catholic News Agency

Naging emosyonal ang Holy Thursday mass na pinangunahan ni Pope Francis sa isang center para sa mga refugees at migrante.

Pinili kasi ng Vatican na mga migrante at refugees naman ang hugasan ng paa ng Santo Papa ngayong taon para sa Chrism Mass.

Sa misa, sinabi ng Santo Papa na bagaman may ilang tao sa mundo na naglalayong maghasik ng lagim at karahasan, nariyan si Hesus para ipakita sa atin ang daan tungo sa pagkakaisa at kapayapaan.”Today, right now, when I do the same gesture as Jesus in washing the feet o fyou 12, all of us are making the same gesture of brotherhood,” ayon sa Santo Papa.

Sinabi ng Santo Papa na bagaman may mga pagkakaiba sa kultura at relihiyon, lahat ay magkakapatid at nais ng kapayapaan.

Dumalo sa misa ang 900 migrante at refugees na nasa pangangalaga ng Reception Center for Asylum Seekers o CARA sa Castelnuovo di Porto.

Sa misa, hinugasan ng Santo Papa ang paa ng 11 migrante at refugees at isa sa mga volunteer sa center.

Apat sa kanila ay Katoliko, tatlo ay Coptic women mula sa Eritrea, tatlong Muslim at isang Hindu.

Lahat ng hinugasan ng paa ng Santo Papa ay naiyak, pero ang isang babae ay hindi napigilang humagulgol nang hawakan ng Santo Papa ang kaniyang anak.

 

 

 

Read more...