Philippine Azkals tinalo ng Uzbekistan

azkals07_852_899_1008Bigo ang Philippine Azkals sa laban nito sa Uzbekistan sa qualifier round sa FIFA World Cup kagabi.

Sa kabila ng magandang laro na ipinakita ni Nel Etheridge nagawa pa ring makapuntos ng isang goal ng Uzbekistan.

Nagawa ng player ng Uzbekistab na si Anzur Ismailov na makapuntos ng isang goal dahilan para matapos ang laro sa iskor na 1-0. Ginanap ang laban sa Bunyodkor Stadium sa Tashkent.

Ilang beses din naharang ng mga manlalarongP Pinoy ang pagtatangka ng Uzbeks player na maka-goal.

Si Etheridge ay nagpakita ng pambihirang performance matapos na maharang ang lahat ng tira ng Uzbekistan sa unang half ng laban.

Sa March 29 ang susunod na laban ng Azkals sa Rizal Memorial Stadium laban sa North Korea.

 

 

Read more...