Tuktok ng Mt. Banahaw hindi pinayagang akyatin ngayong Mahal na Araw

Mt BanahawHindi pinayagan na maakyat ang tuktok ng Mt. Banahaw ngayong Semana Santa.

Ito ay matapos na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa lalawigan ng Quezon hinggil sa pag-akyat sa tuktok ng Mt. Banahaw.

Ayon kay PDRRMC head Dr. Henry Buzar, hanggang sa tatlong kilometro lamang mula sa paanan ng bundok ang pinayagan nilang marating ng mga deboto.

Hanggang sa ngayon kaso ay sumasailalim pa sa rehabilitasyon ang bundok na nasunog noong 2014 sa panahon din ng Semana Santa.

Kapansin-pansin naman ayon kay Buzar ang pagbaba ng bilang ng mga debotong nagtutungo ngayon sa Mt. Banahaw.

Ang tuktok ng Mt. Banahaw ay dinarayo ng publiko na naniniwalang sila ay nakakakuha ng anting-anting lalo na kapag Mahal na Araw.

Maging ang mga mananampalataya ay nagtutungo din sa lugar dahil makikita umano doon ang bakas ng paa ni Hesus na dinadasalan ng mga tao.

Read more...