Mga kumpanya ng langis inanunsyo na ang halaga ng ipatutupad na dagdag presyo sa produktong petrolyo

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nitong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo.

May dagdag na 50 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 55 centavos sa presyo ng kada litro ng kerosene at 60 centavos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Epektibo ang dagdag presyo ng kumpanyang Shell, Petron, SeaOil, at Petro Gazz, alas 6:00 ng umaga bukas araw ng Martes.

Alas 4:01 naman ng hapon ang oil price increase ng kumpanyang Cleanfuel.

Ayon sa Shell, iiral naman ang prize freeze para sa produktong kerosene sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

 

 

 

 

Read more...