Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Negros Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 29 kilometers southwest ng bayan ng Siaton, alas-11:39 umaga ng Lunes (December 14).
May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang isntrumental intensity 2 sa City of Sipalay, Negros Occidental.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES