4 na hinihinalang miyembro ng NPA nasawi sa engkwentro sa Occidental Mindoro

Apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa militar sa Rizal, Occidental Mindoro.

Umabot sa 30-minuto ang bakbakan kung saan nasa 20 NPA rebels ang nakasagupa ng mga otoridad sa Sitio Surong, Barangay Aguas ngayong Lunes (Dec. 14) ng umaga.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Maliban sa katawan ng apat na rebelde na na-recover sa pinangyarihan ng engkwentro, may nakuha ding walong matataas na kalibre ng armas at personal na gamit ng mga NPA.

 

 

Read more...