U.S. Commerce Department kinumpirma ang security breach sa isa nilang ahensya

Kinumpirma ng U.S. Commerce Department na may nangyaring security breach sa isa sa mga ahensya nito.

Ayon sa pahayag, nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang federal authorities at Cybersecurity and Infrastructure Security Agency sa nangyari.

Una nang iniulat ng Reuters na napasok ng hackers ang U.S. Treasury Department.

Kabilang umano sa maaring nakompromiso ang staff emails.

Maliban sa Treasury Department sinabi sa ulat na naapektuhan din ng hacking ang National Telecommunications and Information Administration.

 

 

 

Read more...