Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) pokesperson Charles Jose, tinanggal na ng UNSC ang MV Jin Teng sa Annex of UNSC Resolution 2770, kung saan nakasaad na lahat ng bansa ay dapat magsagawa ng cargo inspections sa mga sasakyang pandagat, panghimpapawid o anuman na papasok sa kanilang teritoryo, kung ito ay galing sa North Korea.
Kasunod ito ng mga ipinataw na parusa ng UNSC sa North Korea dahil sa pagsasagawa ng nuclear test at paglulunsad ng ballistic missile.
Ang MV Jin Teng ang kauna-unahang cargo ship na ininspeksyon mula nang ilabas ng UN ang mas mahifpit na parusa laban sa North Korea.
Nanatili ang nasabing barko sa Subic port, pati na ang mga crew nito mula pa noong March 4, at ayon kay Jose, wala nang basehan ang bansa para patuloy na i-hold ito.
Dahil Philippine Coast Guard (PCG) ang may hawak sa inspeksyon at pagbabantay nito, sa kanila na rin nakadepende ang mga detalye tungkol sa implementasyon ng pag-release sa barko.