Global cases ng COVID-19 mahigit 72.6 million na

Umabot sa mahigit 535,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Dec. 14) ay 72,627,590 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 306,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 27,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 21,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 28,000 na mga bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 16,735,267
India – 9,884,716
Brazil – 6,901,990
Russia – 2,653,928
France – 2,376,852
UK – 1,849,403
Italy – 1,843,712
Turkey – 1,836,728
Spain – 1,741,439
Argentina – 1,498,160

 

Read more...