LOOK: Bagong curfew hours ipatutupad sa Navotas City

Simula bukas, December 15 ay magpapairal ng bagong oras ng curfew sa Navotas City.

Ayon sa abiso ng Navotas City LGU, simula sa December 15 hanggang December 23, alas 11:00 ng gabi hanggang alas 2:00 ng madaling araw na ang curfew hours sa lungsod para sa mga nasa wastong gulang.

Ito ay para mabigyan sila ng pagkakataon na makadalo sa Simbang Gabi.

Wala namang curfew para sa mga adult sa December 24, 25, 31 at January 1 para makapagsimba sa Pasko at New Year.

Sa mga wala pang 18 taong gulang, bawal pa rin ang lumabas dahil iiral pa din ang 24-hour curfew para sa mga menor de edad.

Ibabalik naman sa 8PM to 5AM ang curfew sa lungsod simula sa December 26 hanggang 30 at simula sa January 2.

 

 

 

Read more...