Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 164,000 pa

Umabot na sa lagpas 16.7 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 164,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 16,713,471 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 9.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 6.6 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,000 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 306,387 na.

 

 

 

Read more...