Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.99 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (December 14) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 212.38 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 99.31 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.35 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.57 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.60 meters.

Ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan,Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang ang Ambuklao dam naman ay nabawasan.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga dam.

Read more...