Lalaki nagpaputok ng baril sa kasagsagan ng outdoor Christmas show sa Manhattan

Isang lalaki ang nagpaputok ng baril sa kasagsagan ng outdoor choir performance sa labas ng St. John the Divine Church sa Manhattan.

Bigla na lamang nagpaputok ng kaniyang baril ang lalaki sa labas ng simbahan, dahilan para agad rumespode ang mga pulis.

Ayon kay New York City Police Department spokesman Sergeant Edward Riley, pinaputukan ng suspek ang mga pulis, pero agad siyang nabaril ng mga otoridad.

Sugatan ang suspek at dinala sa malapit na ospital.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga pulis.

Read more...