Ayon sa PAGASA, apektado ng Tail – End of a Frontal System ang eastern section ng Northern Luzon.
Northeast Monsoon naman o Amihan ang nakaaapekto sa nalalabi pang bahagi ng Northern Luzon.
Habang umiiral ang easterlies sa iba pang bahagi ng bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ilan sa Ilocos Region, Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley dahil sa tail-end ng frontal system.
Sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region, kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan dahil sa Easterlies.
Habang bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Nakataas naman ang gale warning at sa Batanes, Babuyan Islands, at sa Northern coast ng Ilocos Norte.