90 porsyento ng mga transaksyon sa toll roads, cashless na

Nasa 90 porsyento na sa mga transaksyon sa toll roads ang cashless na sa pamamagitan ng radio frequency identification (RFID).

Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Engr. Abraham Sales, hanggang December 8, umabot na sa 3.7 milyong RFID stickers ang na-install.

Lumabas din aniya sa penetration rate simula December 1 na karamihan sa mga motorista ay gumagamit na ng cashless transactions sa tollways.

Unti-unti na rin aniyang nababawasan ang bilang ng mga motorista na nagpapakabit ng RFID sticker.

Samantala, sinabi ni Sales na nagbaba ng direktiba si Transportation Secretary Arthur Tugade na siguraduhing ipatutupad agad ng North Luzon Expressway (NLEX) operator ang iba’t ibang measure para maresolba ang implementation issues.

Read more...