Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, bumaba sa 892

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,349 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (December 13).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 892 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

24,715 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 742 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 21,843 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...