Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 72,109,655 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 16,549,366 cases.
Sumunod na rito ang India na may 9,857,380 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 6,880,595 naman ang kaso sa Brazil habang 2,625,848 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 2,365,319
– United Kingdom – 1,830,956
– Italy – 1,825,775
– Turkey – 1,809,809
– Spain – 1,741,439
– Argentina – 1,494,602
– Colombia – 1,417,072
– Germany – 1,320,592
– Mexico – 1,241,436
– Poland – 1,126,700
– Iran – 1,100,818
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,611,637 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 50,492,416 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.