Mt. Apo limitado lang sa 1,000 mountaineers ngayong Holy Week

mt apoNilimitahan sa 1,000 mountaineers lamang ang Mt. Apo ngayong Holy Week.

Ayon kay Joey Recimilla, city tourism officer ng Kidapawan City, North Cotabato, nagpasya ang Mt. Apo Natural Park Protected Area Management Board’s (MANP-PAMB) Eco-Tourism Committee na limitahan ang bilang ng aakyat sa Mt. Apo. “Only 1,000 climbers will be permitted to climb Mt. Apo during the Holy Week,” ayon kay Recimilla.

Maaring makapasok sa Mt. Apo ang mga climber sa pagdaan sa pagdaan sa Kidapawan, Magpet at sa Makilala, North Cotabato, gayundin sa Sta. Cruz at Digos City sa Davao del Sur.

Nagkasundo ang mga lokal na pamahalaan na limitahan ang bilang ng mga aakyat para maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng grass fire lalo pa at napakainit ng panahon.

Sa monitoring ng MANP-PAMB, nakapagtala na ng grass fires sa Sta. Cruz at Digos trails.

Sa bayan ng Sta. Cruz sa Davao del Sur, nanawagan ang local tourism office sa mga umaakyat na sundin ang mountaineering rules at forest prevention measures.

Kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal ng MANP-PAMB ang paggamit ng firecrackers, pagsusunog ng debris at paglalagay campfires.

Hindi rin pwedeng gumamit ng kahoy, troso at uling sa pagluluto.

Read more...