Mga motorista dumagsa sa NLEX at SLEX

Twitter Photo/NLEXtraffic
Twitter Photo/NLEXtraffic

Nakaranas ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorista, Huwebes ng umaga.

Ito ay dahil sa dami pa rin ng mga bumibiyahe pauwi ng lalawigan.

Sa North Luzon Expressway (NLEX) mula pa lamang sa Balintawak ay nagbigat na ang daloy ng trapiko.

Sa abiso ng NLEX traffic, moderate hanggang heavy ang traffic hanggang sa bahagi ng San Simon Exit sa Pampanga.

Ang mga sasakyan naman na patungo sa Southern part ay nakaranas din ng masikip na traffic sa South Luzon Expressway (SLEX).

Mula sa bahagi ng C5 On-ramp, Bicutan Exit, Sucat Exit, ar Alabang Exit ay matindi na ang traffic.

Inaasahan ng pamunuan ng SLEX at NLEX na marami pa ring bibiyahe pauwi sa mgs lalawigan hanggang mamayang hapon.

Sa Linggo naman at sa Lunes ng umaga ang pagbabalik ng mga motorista sa Metro Manila.

Read more...