Mga turista, pinaalalahanan, bawal ang party sa Boracay sa Biyernes Santo

boracayMuling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga turista na bawal ang mag-party at mag-ingay sa isla ng Boracay sa Biyernes Santo.

Ang utos ay batay sa Sangguniang Bayan (SB) resolution no. 15 series of 2009, kung saan nakasaad na bawal ang magpatugtog ng malakas at mag-party sa isla simula alas-6:00 ng umaga ng Biyernes Santo hanggang alas-6:00 ng umaga sa Sabado de Gloria.

Dahil dito, hindi rin magpapalabas ang lokal na pamahalaan ng permit para sa anumang aktibidad na maaring makalikha ng ingay sa panahon ng pagninilay sa Biyernes Santo.

Layunin ng direktiba na maging sagrado ang paggunita ng mga tao sa Mahal na Araw kahit sa loob lamang ng isang araw.

Sa mga nagdaang taon ay sumusunod naman sa naturang kautusan ang mga turista at maging ang mga may-ari ng mga bar sa isla.

Read more...