Lalaki, arestado sa U.S. dahil sa pagbili ng child porn sa Pinas

12895309_10207683506980859_1130771553_nInaresto sa Baltimore, Maryland sa San Francisco ang isang lalaki matapos na madiskubreng ito ay nagbabayad para makakuha ng mga larawan ng mga batang nagsasagawa ng sexual acts sa Pilipinas.

Sinampahan ng mga kasong distribution, receipt at possession of child pornography si Louis Francis Bailey, 65 anyos.

Dahil dito, nahaharap si Bailey sa 40 taong pagkakakulong dahil sa pagpapakalat at pagtanggap ng pornography at 20 taon dahil sa possession.

Ayon sa prosekusyon, may contact umano si Bradley sa Pilipinas at sa pamamagitan ng internet ay nagbabayad ito upang makatanggap ng imahe ng mga batang babae na nagsasagawa ng sexually explicit acts.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang National Center for Missing and Exploited Children na may walong imahe na inupload sa Google+ Photos account ni Bradley.

Sa Facebook ni Bradley, nakita ang pakikipag-usap nito sa mga babae sa Pilipinas na pinagbibilhan niya ng larawan.

Read more...