Civil society group pinuri ang Kongreso sa mga hakbang para sa learners with disabilities

Ikinalugod ng E-Net Philippines ang pagkakapasa ng House Bill 8080 sa botong 197-0-0.

Layon ng panukala na mapaayos ang mga programa para sa mga mag-aaral na may kapansanan sa lahat ng school districts.

Sa Senado, isinusulong din ni Sen. Sherwin Gatchalian, bilang namumuno sa Committee on Basic Education ang ‘counterpart bill.’

Naging aktibo ang E-Net Philippines, isang national education network ng 130 organisasyon, sa pagsusulong ng adbokasiya para mas mapagbuti ang pag aaral ng mga may kapansanan.

Sinabi ng grupo matagal ng nakakaranas ng pagpapabaya sa kanila ang mga ‘learners with disabilities’ kayat nanawagan sila na maging priority bill at agad maipasa ang Instituting Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education and Establishing Inclusive Learning Resource Centers in All School Districts.

Read more...