Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Huwebes, December 11, 4:37 PM), 84 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 9 ang nadagdag.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,418 kung saan 13 ang bagong napaulat,

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 167 kung saan 1 ang nadagdag.

Umabot naman na sa 5,669 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ay 157 at 1 ang probable.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.

Read more...