Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (December 11), umabot na sa 447,039 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,001 o 6.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,504 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 0.25 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 4.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
8 naman ang napaulat na dagdag na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,709 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 273 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 409,329 o 91.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.