Sa pahayag sinabi ni Pascua na bilang government official kailangang ipaalam niya sa publiko ang kaniyang sitwasyon.
Kahapon (Dec. 10) aniya lumabas ang resulta na siya ay positibo sa COVID-19.
Una siyang na-expose sa isang COVID-19 positive noong Biyernes (Dec. 4) at nagsimulang makaranas ng mild na sintomas noong Martes.
Ayon kay Pascua, nasa isang ospital siya at sumasailalim sa quarantine procedures at medical observation.
Inabisuhan na ang mga staff ni Pascua na nagkaroon ng close contact sa kaniya na mag-self quarantine.
MOST READ
LATEST STORIES