Ito ay kapag tuluyang naisabatas ang panukala na lumusot na ngayon sa House Committee on Revision of Laws.
Layon ng House Bill 152 na inihain ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na protektahan ang mga ordinaryong Pilipino at ang mga walang sasakyan na umaasa lamang sa mga pampublikong transportasyon sa kanilang paghahanap buhay.
Paliwanag ni Marcoleta, kawawa ang mga biktima ng aksidente sa sasakyan resulta ng kawalang-ingat sa pagmamaneho, dahil sa mga butas sa kasalukuyang batas.
Bagaman sa maraming aksidente ay pumapabor anya ang hustisya sa mga nasawing biktima, ito ay kadalasang hanggang papel lamang.
Kaya naman sa ilalim ng panukala, itinatakda ang pagpapataw ng kalahating milyong pisong cash bond para mas mapalakas ang karapatan ng mga biktima kapag naigawad ang hatol.