Batay sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 26,170 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang araw ng Biyernes (Dec. 11).
Ang nasabing bilang ng kaso ay naisailalim na sa validation ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 886 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
24,543 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 741 o tatlong porsyento ang nasawi.
READ NEXT
NBI Counter-Terrorism Division chief Raoul Manguerra nasawi dahil sa accidental firing ayon kay DOJ Sec. Guevarra
MOST READ
LATEST STORIES