Completion rate ng LRT-1 Cavite Extension Project mahigit 50% na

Mahigit 50% nang kumpleto ang LRT-1 Cavite Extension Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 50.54% na ang overall progress rate ng proyekto.

Ang naturang proyekto ay kinapapalooban ng 11.7 kilometer extension ng kasalukuyang LRT Line 1.

Dadaan ito mula sa Baclaran patungo ng Niog sa Bacoor, Cavite.

Sa sandaling makumpleto na, inaasahang bababa sa 25 minuto na lang ang biyahe mula Manila to Cavite mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minuto.

 

 

 

Read more...