BTS itinanghal na Entertainer of the Year ng Time magazine

Ang K-pop group na BTS ang itinanghal bilang Entertainer of the Year ng Time Magazine.

Sa Twitter account ng Time, opisyal na inanunsyo na ang BTS ang 2020 Entertainer of the Year.

Ayon sa Time, maliban sa pagiging “biggest K-pop act” sa charts ang BTS ay naging “biggest band” din sa buong mundo.

Nauna nang gumawa din ng kasaysayan ang BTS nang makakuha ng major nomination sa GRammy Award.

Ang single nitong “Dynamite” ay nag-No. 1 din sa Billboard Hot 100 charts.

 

 

 

Read more...