Sa pagtatapos ng 2020, kaso ng COVID-19 sa bansa posibleng umabot sa 480,000 – OCTA Research

Sa pagtatapos ng taong 2020, posibleng umabot sa 480,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay ito sa pagtaya ng OCTA research group.

Ayon kay Dr. Guido David, ibinaba nila ang projection sa 480,000 mula sa naunang 500,000 dahil sa pagbaba ng naitatalang daily cases ng COVID-19.

Sinabi ni David na maaring sa pagtatapos ng taon, nasa 475,000 hanggang 480,000 ang total number of cases ng COVID-19 sa bansa.

Ani David, bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil nitong mga nagdaang araw, nakapagtatala ng mas mabababa sa 2,000 na bagong kaso.

Hanggang Huwebes (Dec. 10) ng hapon ay umabot na sa 445,540 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

 

Read more...