Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng 34,000 sa magdamag

Umabot na sa mahigit 9.7 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 34,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 9,796,992 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 9.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 364,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 142,222 na.

 

 

 

Read more...