Outgoing South Korean ambassador nag-farewell call kay Pangulong Duterte

Nagkaroon ng farewall call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang si outgoing South Korea ambassador Han Dong-man.

Sa isinagawang seremonya, ginawaran ni Pangulong Duterte ng Order of Sikatuna na may ranggo na Datu si Han.

Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang makabisitang muli sa South Korea.

Si Han ay naitalaga bilang South Korean ambassador to the Philippines noong 2018.

Kinilala ni Han ang diplomatic relations sa pagitan ng South Korea at ng Pilipinas na aniya ay nagsimula pa noong 1949.

 

 

 

 

Read more...