Walo sugatan sa salpukan ng ambulansya at bus sa EDSA-Pasay

Hindi bababa sa walo ang nasugatan sa salpukan ng isang ambulansya at isang pampasaherong bus sa EDSA-Pasay City.

Galing sa bahagi ng Macapagal Boulevard ang bus at patungo sa direksyon ng Taft.

Basag ang windshield ng bus at nabutas ang bintana nito.

Kabilang sa nasugatan ang mga sakay ng ambulansya kasama na ang isang buntis.

Pawang conscious naman ang mga nasugatang sakay ng ambulansya at bus at nilalapatan ng first aid sa pinangyarihan ng aksidente.

 

 

Read more...