100 bahay natupok sa Muntinlupa City

Umabot sa 100 bahay ang natupok sa sunog na naganap sa Interior Ilaya, Alabang, Muntinlupa City.

Pasado alas 12:00 ng madaling araw ngayong Biyernes (December 11) nang magsimula ang sunog.

Umabot ito sa 3rd alarm bago naideklarang under control ala-1:49 ng madaling-araw.

Ayon sa Fire Bureau tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng natupok na mga aria-arian.

Bago mag alas 3:00 ng madalingaraw ganap na naideklarang fire out na ang sunong.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

Read more...