33 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City

Umabot sa 33 residente pa sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (December 10), umabot na sa 3,333 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 325 ang aktibo pang kaso.

22 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,962 na ang total recoveries sa Baguio City habang 46 na ang nasawi.

Dona Dominguez-Cargullo

 

 

Read more...