82 anyos na lalaki ikatlong kaso ng COVID-19 sa Batanes

Isang 82 anyos na lalaki sa Batanes ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang ikatlong kaso ng COVID-19 sa naturang lalawigan.

Sa pahayag ng Batanes COVID-19 Task Group, ang pasyente ay galing ng Bacoor, Cavite at dumating sa Basco noong Miyerkules (December 9).

Agad itong isinailalim sa swab test matapos makitaan ng sintomas at kahapon, December 10 lumabas ang resulta na positibo siya sa sakit.

Inoobserbahan ngayon ang pasyente at naka-isolate sa Batanes Resort.

Negatibo naman sa RT-PCR test ang kaniyang tatlong kamag-anak na kasabay niyang bumiyahe pauwi ng Batanes.

 

 

 

Read more...